Basic Income PH

Basic Income PH

Our nation’s recovery calls for progressive and sustainable strategies
(and you can help shape the future)

Ano ang basic income?

Ang basic income ay halaga ng pera na regular na ibinibigay sa bawat mamamayang nasa hustong gulang. Walang mga pagtatanong.

Itinataguyod namin ang limang libong (5,000) piso para sa bawat Pilipinong nasa hustong gulang, maliban lamang sa mga nakakulong. 

Sino Kami

Tayo ay Filipinong naniniwala na ang Basic Income ay unang hakbang upang magkaroon ng maunlad na bansa.

Tayo ay mga manunulat, may-ari ng negosyo, artista, ama, ina at kaibigan na nagmamahal sa bayan, sa ating kapwa at sa ating mundo. Gusto naming pagandahin ito.

Magagawa natin ito!

Ang ating bansa ay nakakalikha ng sapat na halaga upang mabigyan ang bawat isa ng limang libong piso kada buwan. Matutuldukan natin ang pagdurusa ng milyun-milyon nating mga kapwa Pilipino, at bumuo ng mas makatarungan at walang ligalig na lipunan, kung saan ang mga indibidwal ay may kapangyarihang sundin ang kanilang hilig at gawin ang trabahong kanilang mahal.

Ano ang basic income?​

Ang basic income ay halaga ng pera na regular na ibinibigay sa bawat mamamayang nasa hustong gulang. Walang mga pagtatanong.

Itinataguyod namin ang limang libong (5,000) piso para sa bawat Pilipinong nasa hustong gulang, maliban lamang sa mga nakakulong. 

Sino Kami

Tayo ay Filipinong naniniwala na ang Basic Income ay unang hakbang upang magkaroon ng maunlad na bansa.

Tayo ay mga manunulat, may-ari ng negosyo, artista, ama, ina at kaibigan na nagmamahal sa bayan, sa ating kapwa at sa ating mundo. Gusto naming pagandahin ito.

Magagawa natin ito!

Ang ating bansa ay nakakalikha ng sapat na halaga upang mabigyan ang bawat isa ng limang libong piso kada buwan. Matutuldukan natin ang pagdurusa ng milyun-milyon nating mga kapwa Pilipino, at bumuo ng mas makatarungan at walang ligalig na lipunan, kung saan ang mga indibidwal ay may kapangyarihang sundin ang kanilang hilig at gawin ang trabahong kanilang mahal.

Kinasasangkutan ng Maramihang Rehiyon at Socio Economic Situations

Kailangan natin ang Basic Income

What we have right now is a system that is built on a mindset of scarcity and exploitation. Workers have barely any power to escape exploitative situations. Business owners either recognize the exploitation and either pretend that it is part of the game or believe that they are helpless to do anything about it; or they may also have an existential fear of being poor themselves, and so rationalize that the means by which they make money is justified no matter the moral degradation.

And this system is getting worse. We are now seeing the people’s frustrations, dread and fear be weaponized so that people make decisions that are against their interest. People swayed by targeted advertising and fervor-driven rhetoric will increase and become less rational as labor shrinkage due to automation and climate change displacement continue.

Basic income is the first step in changing that system. It gives workers employment options where they are not vulnerable to exploitation, either morally or physically. It opens up new vistas of existence, a hopeful one in which they are not constantly fighting for survival, where they, instead, thrive and fulfill their potential. Basic income helps nudge businesses to align their behaviors with the general morality and find more mutually beneficial systems.

Basic income is the easiest, broadest, and fairest exploitation alleviation tool that we can use to meet the needs of a world that is constantly challenging us. It is the simplest program to execute with zero or the least government bureaucracy. Since basic income is a basic right, there are no gatekeepers deciding who gets to receive it.

All basic income tests resulted in recipients being happier, healthier, safer, and better educated. Basic income also improved civic engagement and trust in institutions. If we want a society that is capable of adjusting and even thriving in spite of the existential challenges we face, then basic income is the only way.

Ang sistema natin ngayon ay itinayo sa kaisipan ng kakulangan at pagsasamantala. Ang mga manggagawa ay halos walang kapangyarihang makawala sa mga mapagsamantalang kalagayan. Ang mga may- ari ng negosyo ay nakikita ang pagsasamantalang ito at nagkukunwaring bahagi ito ng laro o di kaya’y naniniwala na wala silang magagawa tungkol dito.

Maaari ring mayroon silang eksistensyal na takot na maging mahirap din sila, kaya’t sinasabi nila sa kanilang sarili na ang paraan nilang kumita ng pera ay nararapat lang kahit na nagdudulot ito ng moral na pagkasira.

At ang sistemang ito ay lumalala. Nakikita na natin ngayon ang pagkainis ng mga tao. At mas malala, ang kanilang pangamba at takot ay ginagamit na armas ng iba kung kaya’t gumagawa sila ng mga desisyon na hindi ayon sa kanilang kapakanan. Darami ang mga taong madadala ng mga naka- target na patalastas (targeted advertising) at mapusok na pangungumbinsi at mas lalo silang magiging di – makatuwiran habang nababawasan ang mga trabaho dahil sa pagpapatuloy ng pangingibabaw ng mga makina (automation) at ng kawalan ng matitirhan dahil sa pagbabago ng klima (climate change).

Ang basic income ay ang unang hakbang upang mabago ang sistema. Binibigyan nito ang mga manggagawa ng mga pagpipiliang trabaho na hindi sila madaling pagsamantalahan, sa moral o pisikal man na paraan. Inilalantad nito ang mga bagong tanawin ng pamumuhay, na may pag-asa, na kung saan sila ay hindi laging nakikibaka upang mabuhay, na kung saan, sa halip, sila ay umuunlad at natutupad ang kanilang potensiyal. Tinutulungan ng basic income ang mga negosyo na maging ayon ang kanilang mga gawain sa pangkalahatang moralidad at hanapin ang mga sistemang mas kapaki-pakinabang para sa lahat.

Ang basic income ang pinakamadali, pinakamalawak, at pinakamakatarungang instrumento upang mabawasan ang pagsasamantala. Magagamit natin ito upang harapin ang mga pangangailangan ng isang mundo na palagi tayong hinahamon. Ito ang pinakasimpleng programang maaaring ipatupad na wala o pinakakaunti ang burukrasya ng gobyerno. Sapagkat ang basic income ay isang batayang karapatan, walang mga bantay na nagpapasiya kung sino ang pwedeng tumanggap nito.

Lahat ng eksperimento ng basic income ay nagresulta sa pagiging mas masaya, mas malusog, mas ligtas at mas pagiging edukado ng mga nakatanggap nito. Mas napabuti rin ng basic income ang pakikibahagi ng mga tao sa pamayanan at ang tiwala sa mga institusyon.

Tunay ngang ang basic income ang tanging solusyon kung ang gusto natin ay lipunan na may kakayahang makibagay at maunlad kahit na meron tayong mga problemang kinakaharap upang mabuhay

Ang Aming Adbokasiya

Gusto naming magkaroon ng mga eksperimento o trial ng basic income sa dalawang libong (2,000) mga pamilya sa maraming mga rehiyon at kalagayang pangsosyo-ekonomiko sa loob ng susunod na tatlong taon.

Kapag may datos na tayo mula sa Pilipinas na naipapakita kung gaano kalaki ang naitutulong ng Basic Income itutulak natin na maging katotohanan ang Basic Income para sa buong Pilipinas sa taong 2030.

Magagawa namin ito sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa ating mga kababayan ng ideya na merong mas mabuting mundo na may pag-asa at maunlad na may kapangyarihan tayong likhain.

Tuturuan namin sila ng tungkol sa basic income at pupukawin namin ang kanilang damdamin para dito.

Tutulong kaming hubugin ang pulitika at impluwensiyahan ang polisiya ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtataguyod at pangangampanya para sa ipinaglalabang ito. 

Basic Income PH

Alamin ang basic income PH

Sign-up to our newsletter.

We’ll keep your email safe
and we won’t spam you.