Basic Income PH

Bakit natin bibigyan ang lahat? Bakit di na lang natin puntiryahin ang mga sektor gaya ng mga mahihirap at maralita?

Merong tatlong pangunahing dahilan kung bakit dapat tumanggap ang lahat ng basic income. Agaran siya, nababawasan ang pagkakamali, at pagkakaisa ng lipunan.

Una, maaaring kailangan na agad ng mga tao ang tulong pinansiyal, at ang means testing – o pagtukoy kung sino ang tatanggap ng pera o hindi – ay magpapabagal sa pagdating ng pera sa sobrang nangangailangan.

Pangalawa, kung guguhit tayo ng linya na maghihiwalay sa mga “mahihirap” at mga “mayayaman” o mga “karapat-dapat” at hindi “karapat-dapat,” ipinapakita ng mga pag – aaral na ang pagtukoy kung sino ang mahihirap o hindi ay maaaring maging sanhi upang di makasama ang maraming mga taong dapat kasama sa programa. Sa kabilang banda, tinitiyak ng basic income na lahat ng nangangailangan ay nabibigyan.

Pangatlo, nababawasan nang malaki ang tiwala sa gobyerno ng mga hindi nakakatanggap ng tulong. Kung ang malaking bahagi ng ating lipunan ay nawawalan ng tiwala sa gobyerno, maaari silang maging biktima ng mga argumento ng mga gustong pag-awayin ang iba’t ibang sektor ng ating lipunan at maimpluwensiyahan din ng iba pang mga mapanganib na ideya na nakakasira ng ating demokrasya.

Bukod sa mga dahilang ito, kapag gumagawa tayo ng partikular na grupo ng benepisyaryo, kinakailangan nating bumuo ng team – ang gagawa ng means testing – na tutukoy kung sino ang kwalipikado. Abuso at korapsyon ang pinakamalalang resulta ng team at ng pagtukoy na ito. Ang di masyadong malalang resulta ay burukrasya at mababagal na proseso. Lahat ng ito ay nagdadagdag ng kawalan ng tiwala sa ating mga institusyon.

Kayang-kaya. Nakakalikha tayo ng sapat na halaga para mabayaran ang apat na trilyong pisong kailangan para sa basic income. Ang kailangang gawin ay makolekta nang maayos ang mga tamang buwis para magawa ito. Sa kaso natin, ang tantiyang kwenta ay kailangan nating buwisan ang 35% ng ating GDP, higit pa sa kasalukuyang 22% na effective tax rate. Masyadong maraming palibre (exemptions), bawas (breaks) at palusot (excuses) – dala ng mga di- tugmang insentibo – na maaari nating itama para mabayaran natin ang basic income. 

Mayroon ding mga multiplier effect ang basic income. Ayon sa mga pag-aaral ang basic income ay nagkakaroon ng 1.3x to 2.3x na balik sa ekonomiya. Ibig sabihin nito ay meron tayong pagkakataong mapalago ang ating ekonomiya nang doble sa pamamagitan lamang ng pagbigay ng pera sa mga tao. Isipin natin ang epekto nito sa mga negosyong nagbabayad ng buwis ngayon – lalaki ang kanilang kapasidad at mas bibilis ang kanilang paggawa. Ang mga mangangalakal ay makakatawad nang mas marami at mas mura. Hindi siya perpektong virtuous cycle, pero sobrang lapit. 

Kailangan tayong maging tapat na wala talagang nakakaalam kung ano ang gastos at benepisyong iyon para sa Pilipinas. Maski na ang pilot program na itinataguyod namin ay hindi kayang ibigay ang tunay na gastos at benepisyo ng programa. Di pa kasama sa halaga ang mga welfare program ng gobyerno at mga batas na di na kakailanganin. Dagdag pa, ang laki ng pagdami (multiplier range) ay mataas at hindi eksakto dahil ang mga taong bahagi ng eksperimento sa ibang bansa ay iba ang panlipunang lawak (sociological ranges) kumpara sa ating bansa. Ang alam natin ay kapag binigyan ng pera ang mahihirap ay gagastusin nila ito dahil kailangan nilang gastusin. Tiyak na asahan natin na ang epekto nito sa ating ekonomiya ay malaki. 

Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay kadalasan bunga ng pagtaas ng gastos ng mga sangkap (mga produkto ng langis, pagpapababa ng halaga ng pera, atbp.) Oo, tinataasan natin ang kabuuang pangangailangan (aggregate demand) ng mga kalakal at serbisyo, pero walang kinalaman ito kung ang mga negosyo na nakikibahagi sa ating merkado ay nasa  pinakamataas na kapasidad ng kanilang produksiyon na o hindi pa. At kahit na tumaas nga ang pangangailangan (demand), bababa rin ang mga presyo dahil sa kumpetisyon. 

Halimbawa nito ay ang presyo ng mga mask nang sumabog ang Taal at nagsimula ang pandemic. Tumaas ang mga presyo dahil sa lumaki ang pangangailangan, ngunit ngayon ay balik na sa kanilang orihinal na presyo bago mag-pandemiya at bago sumabog ang Taal. Ang iba nga ay mura pa at mas humusay pa ang produkto dahil sa kumpetisyon sa merkado. Ang lahat ng ito hindi dahil sa kabila ng, kundi dahil sa sobrang pagtaas ng pangangailangan. 

Pinapayagan ng basic income ang mga taong wala sa ideyal na mga sitwasyon na magkaroon ng mga pagpipilian – mayroon man silang abusadong boss, di – ligtas na kapaligiran sa trabaho, isang di- makatao at mapagsamantalang sitwasyon, o isang mali at di kanais-nais na gawain. 

Hindi binabanggit dito na ang limang libong (5,000) piso ay hindi masyadong malaking halaga. Kapag kinuwenta, sapat siya pero eksakto lang. Kung may umalis sa trabaho dahil siya ay binigyan mo ng limang libong piso, ibig sabihin ay hindi sapat ang halagang ito sa trabahong ipinapagawa mo sa kanila. 

Ipinakita sa pinakamalaking pag- aaral sa ngayon ng basic income sa mundo sa Stockton, California, na tumaas ang bilang ng mga nagtatrabaho o naghahanap ng  trabaho sa mga nakatanggap ng basic income. Ang mga benepisyaryo ay nakayanang bayaran ang pag-aalaga sa kanilang mga anak, transportasyon, damit at iba pang mga bagay na kailangan upang makapagtrabahong muli. 

Isipin na lang natin kung ano ang magagawa ng basic income. Isang henerasyon ng mga tao ang makakayanan na ngayong bayaran ang kanilang pag -aaral. Puwede na nilang kunin ang mga trabaho o gawaing interesado talaga sila at hindi lamang ang pinakamadaling makuhang mga trabaho. Makapagtatayo tayo ng mga propesyon at industriya. Isipin natin ang napakaraming malilikha, mga negosyo, at mga maiimbento, at suportado ang mga ito ng batayang edukasyon, kalakaran, at kakayanang makipagsapalaran para sa matatayog na pangarap. Isipin na lang natin kung ano ang magagawa nito sa mga industriya. 

Hindi kami nagtataguyod na ang estado ay angkinin ang mga sangkap ng produksyon (means of production). Ang totoo, lumilikha ang basic income ng sitwasyon upang dumami ang kliyente ng mga negosyo. Bagama’t gusto ng kapitalismo ang paglibre sa mga buwis, ang mas gusto talaga nila ay mga mamimili na may pera. Gusto nating gumana ang kapitalismo. Mas gagana ito sa ganitong paraan – kapitalismong may seguridad, kung saan ang mga tao ay hindi pagsasamantalahan, at kung saan tuluy -tuloy lang na maraming parokyano ang merkado. 

Paano pa makakapagtrabaho ang mga tao kung ang meron lang sila ay basic income at kukunin ng mga robot ang lahat ng mga trabaho?

Una, mahalagang malaman natin ang pagkakaiba ng gawaing natural na gusto natin, na payag tayong gawin nang libre, at ang gawaing panlabas ang dahilan – bagay na ginagawa natin dahil binabayaran tayo – at tawag natin dito ay trabaho.

Sa basic income, ang layunin ay lumipat sa isang bagong sistema na kung saan kahit sino ay maaaring piliing magtrabaho nang walang bayad – ibig sabihin, pumili ng gawaing natural na gusto natin. Sa ngayon, napakaraming mga gawaing di binabayaran, gaya ng pagiging aktibista, o pagiging open source programmer, o pagiging volunteer, pagiging magulang, pag-aalaga ng mga mahal sa buhay.

Maraming mga trabaho ang mawawala dahil sa automation. Kung meron tayong  basic income, ang trabaho ay di mawawala, dahil pipillin natin ang mga trabahong gusto nating gawin. Dahil sa basic income, kikilalanin natin ang mga bagong anyo ng trabaho, gaya ng paglalaro online. 

Maraming mga trabaho ang mawawala dahil sa automation. Kung meron tayong basic income, ang trabaho ay di mawawala, dahil pipillin natin ang mga trabahong gusto nating gawin. Dahil sa  basic income, kikilalanin natin ang mga bagong anyo ng trabaho, gaya ng paglalaro online. 

Kung titingnan natin ang employment data, palaging merong kakulangan ng trabaho. Sa lahat ng klase ng trabaho, palaging mas maraming walang trabaho – kasama na ang tuluyan nang tumigil sa paghahanap – kaysa mga bakanteng trabaho. At dahil sa automation, ang bilang ng mga trabaho ay patuloy na nababawasan, kasama na ang mga trabahong mataas ang sweldo.

Isa pa, matagal bago natin matamasa ang benepisyo ng mga programa.  Samantala, ang mga tao ay magugutom, di matutuloy sa pag- aaral, o mapipilitang gumawa ng mga tungkuling di sila bagay.

Kung merong basic income, mas magiging tiwasay ang pakiramdam ng mga tao, at mas makikipagsapalaran silang magtrabaho para sa kanilang sarili (self-employed) at magsimula ng kanilang mga negosyo na lilikha ng dagdag na mga trabaho. Sa madaling salita, kapag tumatanggap ang mga tao ng basic income, ginagamit nila ito para magkaroon ng trabaho. Ginagamit nila ito para kumita o gawin ang mga trabahong walang bayad gaya ng pag -aalaga ng kanilang mga anak o pag -volunteer, at mga gawaing mahal nila. Ginagamit din nila ito para mag-aral at madagdagan ang kanilang kaalaman. 

Nabibigyan ang tumatanggap ng basic income ng kakayahang bumili ng gusto niyang pagkain at uri nito. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang pangangailangan. 

Ang pagpapadala naman ng maramihang pagkain ay maaaring magdulot ng mga di kanais-nais na resulta gaya ng pagdagsa sa merkado ng mga produkto na pwede sanang gawin ng mga lokal na negosyante, kaya’t mawawalan sila ng negosyo. 

Kung bababaan natin ang mga buwis, ang makikinabang lang ay ang mga nagbabayad ng buwis, at hindi makakasama ang mga taong pinakamahirap, at makikinabang lang nang bahagya ang mahirap. Samantala, ang natitira sa populasyon – ang kumikita ng gitnang kita at ang mga mayayaman – ay madadagdagan ang kita.

Walang trickle down effect o hindi dadaloy ang biyaya sa baba, dahil ang totoo ay mas yayaman ang mayayaman at itatago lang nila ang kanilang kita sa mga bank account sa ibang bansa. 

Pero kung merong basic income, ang lahat – maliban sa mayayaman – ay tataas ang kita. 

Kung bababaan ang buwis, mananatili pa rin ang di pagkakapantay -pantay (inequality), samantalang kung may basic income, ang kahirapan at di pagkakapantay -pantay ay mababawasan, at lalago rin ang lokal na ekonomiya dahil lahat ay may perang gagastusin na makakatulong sa paglago ng mga negosyo na magdadagdag ng mga trabaho.

Heto ang ilang paraan para mapondohan natin ang basic income:
● Lotterized taxation
● Buwis para sa mga simbahan
● Bigyan ng mga insentibo o pabuya ang mga whistleblower ng mga hindi
nagbabayad para tumaas ang koleksyon ng buwis
● Gawing legal ang mga droga, pero buwisan nang mataas
● Capital gains and dividend taxes – Dahil ang paggawa ay pinapalitan ng
kapital kung saan ang mga makina at mga robot ang pumapalit sa mga
trabaho ng mga tao, malaking bahagi ng kita ng gobyerno ay dapat
manggaling sa kapital.
● Value Added Tax (VAT) o consumption tax – Meron na tayong VAT, at
pwede nating magamit ang karamihan nito para mapondohan ang basic
income.
● Buwis sa carbon pollution at high frequency trading – Buwisan natin ang
mga bagay na hindi gusto ng ating lipunan.
● Land Value Tax
● Buwis sa pagpapahaba o pagpapatagal ng patent, copyright, at
trademark
● Pagsingil ng maliit na porsyento sa lahat ng IPO stocks, at paglagay ng
mga stocks sa isang malaking pambansang mutual fund, kung saan ang
mga dibidendo nito ay napupunta sa pondo ng basic income

Hindi ba mabibigyan ng basic income ng labis na kapangyarihan ang gobyerno at mas makokontrol ang mga tao dahil sila ay umaasa na lamang?

Salungat dito, bibigyan ng basic income ang mga tao ng higit na kapangyarihan, at patitibayin ang direktang demokrasya (direct democracy) sa halip na kinatawan na demokrasya (representative democracy). Matatakot ang mga pulitiko na tanggalin ang basic income sa mga tao. Ang mga tao ay makikibahagi at mas mag-uusisa kung ano ang nangyayari sa gobyerno dahil pera nila ang nakataya. 

Mas lalago at lalaki ang mga kumpanya dahil mas lalaki ang pangangailangan (demand) ng mga produkto at serbisyo. Bababa ang mga presyo kung mas mura at mas mahusay ang daloy ng mga produkto at serbisyo. 

Bagamat ang teknolohiya ay sanhi  ng pagdami ng mga kalakal at serbisyo, naging dahilan din ito ng mas mababang produksiyon.  Tinanggal ng teknolohiya ang mga trabaho, at ang mga trabahong pumalit ay mas kaunti ang bayad. Ibig sabihin nito ay nasasaktan ng teknolohiya ang ekonomiya dahil ang mga may trabaho ay mas kaunti ang perang gagastusin.  Ibig sabihin din nito na ang mga may trabaho ay kailangang magtrabaho ng dagdag na oras para madagdagan ang kita. Ang pagiging produktibo (productivity) ay sinusukat sa pamamagitan ng pag -divide sa GDP ng kabuuang bilang ng oras ng pagtrabaho. Kaya’t kung ang mga tao ay nagtatrabaho ng mas maraming oras sa isang araw, ang pagiging produktibo ay bababa. 

Para mabigyang solusyon ang mahirap na kalagayang ito, kailangang putulin natin ang koneksyon sa pagitan ng paggawa at kita. Kailangan nating bayaran ang mga indibidwal ng kitang walang kinalaman sa paggawa. Kailangan nating bayaran sila ng hindi kinikita ng  teknolohiya at hindi ginagastos sa ekonomiya. Gagawa na ang mga tao ng boluntaryong gawain, na maaaring magkaroon ng positibong epekto sa ekonomiya dahil mas interesado na sila sa kanilang ginagawa. Magkakaroon din sila ng dagdag na kapangyarihang makipagnegosasyon para sa mas mataas na sweldo, na dadagdag din sa kanilang kapangyarihang gumastos. 

Samakatwid, ang basic income, sa halip na pababain ang pagiging produktibo ay papalakihin ito dahil sa bukod sa mababawasan ang kabuuang bilang ng oras ng paggawa, ibig sabihin din nito na mas maraming tao ang gagastos ng kanilang pera sa ekonomiya. 

Base sa mga pag-aaral at mga piloto ng basic income, ang pagbibigay ng pera sa mga tao ay malabong maging sanhi ng pagtaas ng paggamit ng droga o alak o iba pang mga porma ng pagkagumon (addiction), at sa halip ay pwede pa itong bawasan. 

Ipinakita rin ng mga eksperimento at mga pag-aaral na ang paggamit ng droga ay resulta ng kahirapan o kakulangan ng mga mapagkukunan. 

Ang mga pagkagumon ay nakaugat sa sakit – ito ay mga porma ng paggamot sa sarili. Halimbawa, ayon kay Dr. Gabor Mate, karaniwan na inabuso noong bata pa ang mga talamak na adik ng droga. Ang pag-abuso sa mga bata naman ay dumarami sa panahon ng paghihirap ng ekonomiya. Nangyayari ito dahil ang mga mahihirap ay nakakaranas ng mas maraming bagay na nakaka-stress na nagpapakita sa iba’t ibang paraan, kasama ang pagdiskitahan ang sariling pamilya. Ang stress ay isa ring pangunahing sanhi ng hindi pagkakapantay -pantay (inequality). 

Samakatuwid, kung bibigyan natin ang mga tao ng pera, binibigyang solusyon natin ang mga ugat na dahilan ng pagkagumon – ang kahirapan at di pagkakapantay -pantay. 

Madadagdagan ng basic income ang kapangyarihan ng empleyado na makipagnegosasyon. Di siya mapipilitan na sumang-ayon sa mas kaunting bayad sa takot na tuluyan siyang walang matatanggap kung  hihingi siya ng umento. Kung mas malaki ang basic income ng isang tao, mas malaki rin ang kanyang kapangyarihang makipagnegosasyon. Kung halimbawa ang basic income niya ay sapat para mapunan ang pang-araw-araw niyang gastos, hindi siya sasang-ayon sa mas mababang kabayaran bawat oras. Sa ganitong pagkakaunawa, ang basic income ay tutulong na mas tumaas ang minimum wage. 

Dagdag pa, ang minimum wage ay natutulungan lamang ang mga merong trabaho. Karamihan sa mga trabahong ito ay hindi sapat ang bayad, at kung meron lamang pagpipilian ang mga tao ay hindi tatanggapin ang mga ito. Ang isang sapat na malaking basic income ay bibigyan sila ng pagpipilian, at ang kakayahang kunin ang gawaing pinakamahalaga sa kanila. Ang basic income na ito ay papalit sa batas ng minimum wage at ibang mga programang para sa kapakanan ng mga tao (welfare programs). Walang maiiwan, kasama ang mga walang trabaho na ngayon ay maaari nang gumawa ng gawaing makahulugan. Mawawala ang kahirapan.

Hindi ba ang mga trabaho ay responsable sa ating pagkakaisa bilang lipunan? Hindi ba mababawasan ng universal basic income ang pagkakaisang ito?

Ang ebidensya sa mga totoong sitwasyon sa mundo ay nagpapakita na ang basic income o pagbibigay ng pera ay pinaparami ang pagtutulungan at lipunang pagkakaisa. Sa mga piloto at eksperimento sa mga bansa gaya ng Namibia, India, Lebanon, ang ilan lamang na mga positibong epekto ay ang paghinto ng panlilimos, malaking pagbaba ng mga sumusunod: krimen, malnutrisyon sa kabataan, at mga tumitigil sa pag-aaral. 

May malaking pagdami rin ng mga sariling hanapbuhay at mga aktibidad na pang -ekonomiya. Naobserbahan din ang mga pagbuti ng nutrisyon, pangkalahatang kalusugan, pabahay, attendance sa eskwela at husay sa pag-aaral, pati na rin ang pagtutulungan at kooperasyon kasama ang mga hindi benepisyaryo. Tumaas din ang impok ng mga nakatanggap at nabawasan ang kanilang mga utang. 

Ang dagdag na kita ay nagpabuti rin ng mga katangian ng pagkatao. Sa North Carolina, kung saan ang mga miyembro ng tribu ay nakatanggap ng apat na libong dolyar (4,000 USD) bawat taon sa mga dibidendo sa casino, mas kaunti ang mga sakit sa pag-uugali at emosyon ng mga kabataan. Dalawang importanteng katangian ng pagkatao na may pangmatagalang positibong epekto sa buhay ay mas bumuti: pagiging matapat (conscientiousness) at pagiging kasundo (agreeableness). 

Samantala, ang Alaska, dahil sa mga dibidendo sa langis, ang isa sa may pinakamababang porsyento ng kahirapan at di-pagkakapantay -pantay (inequality) sa United States. Ang mga residente nito ay nag -uulat ng pinakamalaking porsyento ng kagalingan (well-being), kasama na ang kagalingan ng lipunan at komunidad.

Ang huli. Pahuhusayin ng basic income kung paano gumana ang mga merkado. Ang limitasyon ng batas ng supply at demand (law of supply and demand) ay walang paraan ang merkado para malaman kung gusto ng mga mamimili ang isang partikular na produkto o serbisyo o wala lang talaga silang perang pambili ng produkto o serbisyo. 

Kung may sapat na pera ang mga tao, pwede silang bumili ng mga produkto na di nila kayang bilhin kung wala silang pera. Makakabili rin sila ng mga produktong gusto nila, at hindi lang mga produktong mahinang klase dahil hindi nila kayang bilhin ang mahuhusay na mga produkto. Napakarami ring mga pagkain sa mga tindahan o grocery ang nasasayang dahil hindi sila kayang bilhin ng mga tao. Pero kung may pera ang mga tao, mas mababawasan ang mga naaaksayang produkto. 

Mas hindi episyente at mas magastos kung tutukuyin natin kung sino ang mangangailangan ng  basic income kumpara sa bigyan nating lahat – kasama ang mayayaman – ng basic income. Hindi na natin kailangang gumastos para sa mga mag-iinterview, mga gamit na pang -interview o mga bagay na hindi natin kailangan, o maglaan ng oras para sa pagkwenta o sa pagpasiya kung sino ang nararapat na tumanggap ng pera o hindi.

Kung ito ay benepisyo lamang para sa mga walang trabaho, totoo. Pero heto ay pagbibigay ng pera sa lahat, may trabaho man o wala. 

QUESTIONS? IDEAS AND SUGGESTIONS? Your voice matters.
Let's hear you out!