Basic Income PH

About Basic Income PH

Basic Income PH

Magsimula tayo sa isang kwento.

Noong 1974, ay nagkaroon ng isang makabagong panlipunang eksperimento na tinawag na Mincome. Ito ay isinagawa sa lungsod ng Dauphin sa probinsiya ng Manitoba sa bansang Canada. Ang mga kita ng mga mahihirap na pamilya na nakatira doon ay dinagdagdagan kung bumababa sa garantisadong taunang kita (guaranteed annual income) na 16,000 Canadian dollars (o mga 55,000 pesos kada buwan kung pagbabasehan ang exchange rates o halaga ng palitan ngayon). 

Ngunit pagkaraan ng limang taon, noon 1979, ay natigil ang Mincome  nang magkaroon ng mas konserbatibong gobyerno ang Canada. Ang mga pagtaas ng presyo ng langis ay nagbunga ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at ang tumataas na kawalan ng trabaho ay nangahulugan na mas maraming residente — higit sa orihinal na pinaglaanan ng budget para dito — ang humingi ng tulong pinansiyal.

Si Evelyn Forget ay isang estudyante ng Psychology noong panahong iyon nang mabalitaan niya ang tungkol sa pilotong pag- aaral na nagbigay inspirasyon sa kaniya upang lumipat ng kurso. Mga dekadang taon ang nakaraan, nag-usisa si Evelyn, na ngayon ay isa nang ekonomista ng kalusugan, kung ano na ang nangyari sa programa ng Mincome. Noong 2009 ay natagpuan niya ang mga dokumento tungkol sa programa sa humigit- kumulang na 1,800 na mga kahon sa opisinang pangrehiyon ng National Archives sa Winnipeg. Nang pinag-aralan niya ang mga dokumen o ay  nadiskubre niya na ang eksperimento ay isang malaking tagumpay!

Bumaba ang mga naospital nang 8.9% dahil nabawasan ang mga insidente na may kinalaman sa pag-inom ng alak at may kinalaman sa kalusugan ng pag -iisip. Bumaba rin ang bilang ng domestic violence o karahasan sa tahanan nang mahigit tatlumpung porsiyento (30%). Mas maraming estudyante ang nakapagtapos ng pag -aaral — noong 1976, isang daang porsiyento (100%) ng mga estudyante ng Dauphin ay nakapag -enrol sa kanilang huling taon sa high school. Sa madaling salita, ang kabuuang kagalingang -pagkatao ay bumuti. Nang matigil ang eksperimento ay bumalik ang mga dating problema. Bagamat ang ibang residente ay nilisan ang Dauphin, ay nabago naman ng Mincome ang buhay ng mga nakatanggap ng pera.

Sa maikling dokumentaryong pampelikula na The Manitoba Story: A Basic Income Film, ilang benepisyaryo ay nagkwento kung paano nabago ng Mincome ang kanilang mga buhay. 

Ang mag-asawang Wallace ay nakabili ng bagong truck at napalawak ang kanilang sakahan, at ang kanilang anak na si Clark ay natapos ang kaniyang pag-aaral at naging mekaniko. 

Si Eric Richardson naman ay labindalawang taong gulang nang magsimula ang Mincome at nagawa niyang mabisita ang dentista at ipaayos ang kaniyang mga nabubulok na ngipin. Ngayon ay nagtuturo siya ng pagkakarpintero sa mga estudyante sa kolehiyo.

Si Susie Secord, na noon ay isang labimpitong taong gulang na single mother ay nakapagtapos sa unibersidad, nakabili ng bahay at nagpalaki ng tatlong anak at nagkaroon ng sampung apo. 

Ang eksperimento sa Manitoba ay isang pag -aaral ng Basic Income (Batayang Kita). Ang mga advocates o tagapagtaguyod ng Basic Income ay naniniwalang ito ay isa sa mga pinakaepektibong paraan upang mabigyang -solusyon ang kahirapan at iba pang mga suliraning panlipunan. 

Basic Income PH
Basic Income PH

Sa maikling dokumentaryong pampelikula na The Manitoba Story: A Basic Income Film, ilang benepisyaryo ay nagkwento kung paano nabago ng Mincome ang kanilang mga buhay. 

Ang mag-asawang Wallace ay nakabili ng bagong truck at napalawak ang kanilang sakahan, at ang kanilang anak na si Clark ay natapos ang kaniyang pag-aaral at naging mekaniko. 

Si Eric Richardson naman ay labindalawang taong gulang nang magsimula ang Mincome at nagawa niyang mabisita ang dentista at ipaayos ang kaniyang mga nabubulok na ngipin. Ngayon ay nagtuturo siya ng pagkakarpintero sa mga estudyante sa kolehiyo.

Si Susie Secord, na noon ay isang labimpitong taong gulang na single mother ay nakapagtapos sa unibersidad, nakabili ng bahay at nagpalaki ng tatlong anak at nagkaroon ng sampung apo. 

Ang eksperimento sa Manitoba ay isang pag -aaral ng Basic Income (Batayang Kita). Ang mga advocates o tagapagtaguyod ng Basic Income ay naniniwalang ito ay isa sa mga pinakaepektibong paraan upang mabigyang -solusyon ang kahirapan at iba pang mga suliraning panlipunan. 

In the short documentary The Manitoba Story: A Basic Income Film, some recipients related how Mincome changed their lives.

The Wallace couple was able to buy a new truck and expand their farm, and their son Clark was able to finish his education and became a mechanic.

Eric Richardson was twelve years old when Mincome started and he was able to go to the dentist and have his ten cavities treated. He now teaches carpentry to college students.

Susie Secord, then a 17-year-old single mother, was able to go to the university, own a house, and raise three children and have ten grandchildren.

The experiment in Manitoba was a Basic Income pilot. Advocates of Basic Income believe that it is one of the most effective ways of solving poverty, among other social problems.

Basic Income PH

Ano ba talaga ang Basic Income?

Narito ang depinisyon ng isang social scientist (panlipunang siyentipiko) at isa sa mga nangungunang tagapagtaguyod ng Basic Income na si Guy Standing sa kaniyang librong Basic Income: And How We Can Make It Happen (Basic Income: At Paano Natin Maisasakatuparan Ito): 

Ang basic income ay katamtamang halaga ng pera na ibinibigay o ibinabayad unconditionally o nang walang kondisyon sa mga indibidwal sa regular na paraan (halimbawa, buwanan). Ito ay madalas na tinatawag na universal basic income (UBI) sa kadahilanang inilalaan ito para sa lahat. 

Ipinaliwanag isa-isa ni Standing ang mga elemento ng depinisyon.

Able to learn

Basic

He says that “the underlying purpose is to provide basic economic security, not total security or affluence…Basic security in terms of being able to obtain enough to eat and a place to live, an opportunity to learn and to access to medical care constitutes what any ‘good society’ should provide, equally and as certainly can.”

Citizen, Community

Universal

Universal doesn’t mean every human being — which is the ideal — but it means “a basic income would be paid to everyone usually resident in a given community, province or country.”

Unconditional

Unconditional. According to Standing, the word unconditional has three aspects. 

First, there would be no income conditions.

Second, there would be no spending conditions.

Third, “there would be no behavioral conditions, requiring people to behave in certain ways and not others, such as taking jobs or particular types of jobs, or being willing to do so, in order to qualify for the basic income.”

Able to learn

Basic

Sinabi niya na “ang pinagbabatayang dahilan ng basic income ay magbigay ng pangunahing pang -ekonomiyang seguridad, hindi kabuuang seguridad o kasaganaan…Pangunahi ng seguridad na ibig sabihin ay mayroong matitirahan at sapat na makakain, magkaroon ng pagkakataon na matuto at makamit ang medikal na pangangalaga, mga bagay na dapat ibinibigay ng isang ‘mabuting lipunan’ para sa lahat at may katiyakan.” 

Universal

Hindi ibig sabihin ng universal (unibersal) na bawat tao sa mundo — bagamat iyan ang ideyal  – ngunit ang ibig sabihin ay “ang basic income ay ibibigay sa bawat residente sa isang komunidad, probinsiya o bansa.” 

Unconditional

Unconditional. Ayon kay Standing, ang salitang unconditional (walang kondisyon) ay
mayroong tatlong aspeto.

Una, walang mga kondisyon tungkol sa kita. Sa madaling salita, dapat ay walang means testing (pagpapatunay ng kakayahan) na ang ibig sabihin ay “di kailangang patunayan ng mga tao na meron silang kita na mas mababa sa partikular na halaga.”  

Pangalawa, dapat walang mga kondisyon kung paano gagastusin ang pera. Ibig sabihin, ang mga makakatanggap ay may kalayaang gastusin ang pera sa anumang paraan na gusto nila. Sila lang ang makakatukoy ng prayoridad ng paggastos nila. 

Pangatlo, “dapat ay walang kondisyon sa asal, na kakailanganing ang mga tao ay kumilos ng ayon sa mga partikular na paraan at hindi sa iba, gaya ng pagtanggap ng mga trabaho o mga partikular na trabaho, o dapat payag na magtrabaho, upang maging kwalipikado sa basic income.” 

Ang UBI ay isa sa mga solusyon sa kahirapan

Ang UBI ay mahalaga sa pagpapabuti ng buhay ng mga mahihirap dahil natatanggal nito ang “scarcity mindset” o pag-iisip ng kakulangan.

Upang maunawaan ang scarcity mindset, tingnan natin ang eksperimento na isinagawa ng psychologist na si Eldar Shafir ng Princeton University, at ni Sendhil Mullainathan, isang ekonomista sa Harvard. Pinag-aralan nila ang mga magsasaka ng tubo sa kanayunan ng India. Dahil animnapung porsiyento (60%) ng kita nila sa buong taon ay nakukuha nila nang buo pagkatapos ng anihan, marami silang pera sa isang bahagi ng taon at mahirap naman sa ibang bahagi.

Natuklasan ni Shafir at Mullainathan na kung may pera ang mga magsasaka ay mas mataas ang mga score nila sa mga cognitive tests o pagsusulit tungkol sa pagkuha ng kaalaman, at mas tumataas ang IQ (intelligence quotient) nila ng 13 hanggang
14 na puntos.

Hindi sa nabawasan ang talino ng mga magsasaka nang mawalan sila ng pera, ngunit ang lawak ng daloy ng kanilang pag -iisip ay nakompromiso. Nabawasan ang mga maaayos na desisyon nila dahil sumikip ang pinagkakatuunan nila: nakatutok lamang sila sa kung ano ang kanilang kakulangan ngayon — ang mga bayarin na dapat bayaran o kung saan mahahanap ang sunod na kakainin.

Dito natin makikita ang isa sa mga positibong epekto ng UBI. Kapag ang mga tao ay di nag-aalala tungkol sa pera, ang kanilang pang -matagalang kaisipan ay humuhusay, at mas gumagawa sila ng mas magaling at malikhaing mga desisyon tungkol sa kung paano mapapabuti ang kanilang mga buhay.

 

Nababawasan din ang  hindi pagkakapantay -pantay sa lipunan (inequality) kapag nalulutas ang problema ng kahirapan. Mas lumiliit ang agwat ng mga mahihirap at mga mayayaman. Ayon sa mga pag-aaral, kung mas kaunti ang hindi pagkakapantay -pantay mas kaunti din ang mga problema ng lipunan. Mas humahaba ang buhay ng tao at mas humuhusay ang kakayahang magbasa’t sumulat (literacy) pati na ang tiwala ng tao sa kapuwa. Samantala bumababa naman ang mga ito: bilang ng mga namamatay na sanggol, mga pagpatay, populasyon ng mga nakakulong, maagang pagkabuntis, depresyon, labis na katabaan, at pag -abuso sa droga at alak. Mas mabilis din ang pag-akyat ng tao sa antas ng lipunang kinabibilangan. Hindi kailangang mayaman ang isang bansa para mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay.

Ang mas mahalaga ay lumiit ang agwat ng mayaman sa mahirap at makakatulong ang UBI para makamit ito. Para sa historyador na si Rutger Bregman — ang sumulat ng Utopia for Realists, isang libro na tumatalakay ng UBI — ang pagbibigay ng tuon sa ugat ng problema, ang pagbibigay ng pera sa mga mahihirap ay ang pinakadirektang paraan ng paglutas sa kahirapan at hindi pagkakapantay -pantay. Ito ay maihahambing sa paglagay ng dagdag na memory chip sa isang computer. Gamit ang iyong dagdag na kita, maaari kang bumili ng dagdag na lakas ng utak upang malutas mo ang iyong mga problema.

Gumagana ang Basic Income

Napatunayan na epektibo ang Basic Income sa mga eksperimento at pagpapatupad nito sa
iba’t ibang parte ng mundo.

India
Samantala, ang mga eksperimento ng Basic Income sa India ay nakatulong na magbago ng mga buhay lalo na ng mga kababaihan. Ang nutrisyon, kalusugan at pag -aaral ng mga bata, lalo na ng mga babae ay bumuti. Nakalaya rin ang mga pamilya sa mga mapagsamantalang pagkakautang.

Nagkaroon ng mga positibong epekto ang UBI sa paglago ng ekonomiya. Tumaas ang kita ng mga kababaihan at kanilang kakayahang mag-sarili sa pamamagitan ng pamumuhunan sa pagsasaka, mga hayop, at mga maliliit na negosyo. Ang UBI ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga babae -- nagkaroon sila ng boses sa kanilang mga tahanan at mga komunidad, at mas lumahok sila sa pagdedesisyon.

Nabawasan din ang “mga mali” o sakit sa lipunan. Sa ibang mga nayon, bumaba ang pag-inom ng alak dahil nagkaroon ng mas maraming gawain ang mga pamilya dahil nadagdagan sila ng produktibong mga pag-aari.
Alaska
Sa Alaska, ilang porsyento ng kita ng langis ay napupunta sa Alaska Permanent Fund. Bawat taon bawat residente ng Alaska, bata at matanda, ay tumatanggap ng halagang tinatawag na dibidendo (dividend), na “tumataas o bumababa depende sa presyo ng langis at iba pang pagsasaalang- lang na may kinalaman sa budget.” Ang pinakahuling bayad, noong 2020, ay nagkakahalaga ng 990 USD.

Ayon sa ilang mga mananaliksik, ang Alaska Permanent Fund Dividend or PFD “ay nakatulong sa Alaska na makamtan ang pinakamataas na ekonomikong pagkapantay-pantay ng anumang estado ng United States… At tila hindi masyadong pansin, ito ay nagbigay ng perang tulong na walang kaakibat na kondisyon sa mga nangangailangang taga- alaska, sa panahong karamihan ng mga estado ay binawasan ang tulong at mas dinagdagan ang mga kondisyon.”
Kenya
Sa Kenya, ang non-profit na Give Directly ay matagal nang nagbibigay ng pera direkta sa mga 14,000 na sambahayan sa iba’t ibang komunidad mula noong 2016. Dahil sa UBI, bumaba ang bilang ng mga nagugutom. Ang bilang ng mga indibidwal na nagpapaospital at kailangan ng medikal na atensyon ay bumaba rin. Nakatulong din ito sa mga tao na maging matatag sa gitna ng pandemiya ng COVID-19.
Previous
Next

Philippines

Dito sa Pilipinas, ang pinakamalapit na kagaya ng isang programang Basic Income ay ang Conditional Cash Transfer (CCT) na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at napatunayang matagumpay ito. Ayon sa isang pag-aaral, nababawasan ng 1.5 milyong mahihirap na mga Pilipino bawat taon dahil sa programa.

Makikita natin dito na ang pagbibigay ng pera sa mga tao ay gumagana. At kung walang kondisyon ang pagbibigay ng pera ay walang makakaligtaan o mapaparusahan nang di naman kailangan. Halimbawa, sinabi ng ina na si Marilyn sa isang kabanata ng dokumentaryong palabas sa TV na Reel Time, na tinanggal daw siya sa programa ng 4Ps dahil isinangla niya ang kaniyang cash card noong kailangan niyang bayaran ang mga gastusing medikal ng kaniyang anak na maysakit at ang pampalibing nito nang mamatay ito kalaunan.

Dito natin makikita kung paano matutulungan ng UBI ang mga tao sa mga kaso ng emergency o mga di-inaasahang pangyayari, gaya nang kung may magkasakit na kamag-anak o ang isang indibidwal ay mawalan ng trabaho. At sa mas malakihang sakop, ang kasalukuyang pandemiya — kung saan karamihan ng populasyon ay apektado — ang basic income na bahagi na ng sistema ay awtomatikong matutulungan ang mga taong mabuhay. At kung ikaw ay ang isa sa 13.5 milyong mga Pilipino na wala pang trabaho ngayon, ang UBI ay makakatulong na ikaw ay makaraos.

Ngayong alam na natin kung ano ang Universal Basic Income, at kung paano nito  mabebenepisyuhan ang ating lipunan, aalamin pa natin nang mas malalim ang UBI sa mga susunod na artikulo, pati na ang mga madalas na mga katanungan tungkol dito, at kung paano ito maipapatupad.

QUESTIONS? IDEAS AND SUGGESTIONS? Your voice matters.
Let's hear you out!